Siguro iba lang talaga ako tumingin sa isang bagay. O baka kailangan ko nang komunsulta sa isang doktor dahil sa mga na-oobserbahan ko.
Sa huling tweet ni AJ Perez, parang nagbigay na siya ng pahiwatig o simbolo na kukunin na siya ng Poong Maykapal. May sayad lang siguro ako, pero iba ‘to eh. May mga salita at linya sa sinabi niya na parang yun na ang huling mensahe niya.
On the way home. Parang sinasabi na niyang papauwi na siya sa langit. Pinapauwi na siya sa paraisong walang katapusan.
Long drive ahead. Dahil hindi natin alam kung gaano nga ba kalayo ang langit mula sa lupa, matatagalan talaga siya sa pagpunta doon. Parang sinasabi niya rin na mataas na ang buhay na naibigay sa kanya.
Thanks to everybody. Parang nagpapasalamat siya sa lahat. Sa pamilya niya, mga kaibigan, mga tagahanga at suporta pati na rin sa mga may galit sa kanya.
Thanks .. for the gifts. Parang nagpapasalamat siya sa mga natanggap niyang mga bagay, saya at kaibigan sa buhay niya. Tinuring niya itong isang magandang regalo mula sa kanila.
And hi again.. Kumbaga may mga tao pa rin siyang gustong masabihan ng mga bagay na hindi pa niya nasasabi. Mga taong gusto niyang patawarin at mga taong gusto niyang maging kaibigan ulit.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ko, pero kakaiba lang talaga ang huling mensaheng nasabi niya bago siya kunin ng Poong Maykapal. Muli, paalam AJ Perez. Maging masaya ka sa na sa walang hanggang paraiso ng Diyos.
goosebumps men….. it sort of fits….. may he rest in peace… =(